More Blog

Pinakamabilis Na Paraan Sa Pag-abot Ng Mga Pangarap!

Posted by Allan M. Hinggoy | Sept. 13, 2016, 8:56 p.m.

Lahat tayo may mga PANGARAP, ang magkaroon ng magandang buhay hindi lang para sa sarili kundi para sa buong pamilya. Subalit marami sa atin na kahit anung gawin hindi makuha ang mga ito hanggang dumating sa point na i-give up na lang nila ito at hayaan na lang na intayin kung ano ang itinakda sa kanila ng tadhana.

Naniniwala ako na lahat tayo ay may angking kakayanan para abutin ang ating mga pangarap kahit gaano pa kataas ang mga ito. Kailangan lang natin na maging bukas sa katotohanan at tanggapin ito bilang hamon at hindi bilang isang hadlang.

Sa panahon ngayon, naniniwala ako na ang pagkakaroon ng isang negosyo ang pinakamabilis na paraan para makuha natin ang ating mga pangarap. Naniniwala ka ba dito? Kung hindi ka naniniwala stop reading this now but kung naniniwala ka, go ahead.
Subalit maraming tao ang nahihirapang magsimula ng isang negosyo lalo na sa panahon ngayon. Kaya naman hayaan nyo akong bigyan kayo ng idea kung ano ba ang negosyo na pwede mong simulan. Unang-una, gusto kong malaman mo na may tatlong paraan kung paano ka makapagsisimula at ang mga ito ay ang sumusunod:

1. BUILD A BUSINESS - ito rin ay tinatawag na traditional business kung saan nabibilang kung ang mga negosyong katulad ng pagmamay-ari nila Henry Sy and Lucio Tan. Kaya lang kakailanganin dito ng malaking CAPITAL at magkakaroon din mataas na RISK. Sa traditional business para mas malaki ang kita, kinakailangan mo rin ng malaking capital.

2. BUY A BUSINESS - dito naman yong tinatawag natin na franchising kung saan nabibilang ang mga negosyo tulad ng JOLLIBEE. Katulad ng traditional business, nangangailangan rin ito ng malaking CAPITAL para makapagsimula, but unlike traditional mejo maliit na ang RISK nito sapagkat may support system na available na ang ganitong klase ng negosyo.

3. JOIN A BUSINESS - ito naman yong tinatawag natin na networking marketing business tulad ng Alliance In Motion Global Inc.. Dito, unlike traditional and franchising businesses, mas maliit ang CAPITAL na kinakailangan to start at ganun din pagdating sa RISK.

Sa tatlong pamamaraan na ito, pwede kang pumili kung ano ang kaya mong simulan. Kung ikaw ay may malaking CAPITAL pwede mong gawin number 1 and 2, pero kung ikaw ay walang kakayanan na maglabas ng malaking halaga, huwag mong hahayaan na hindi gawin ang number 3. Ang JOIN A BUSINESS or NETWORK MARKETING BUSINESS ang isa sa pinakapatok na negosyo ngayon. Maaaring isa ka sa takot gawin ang negosyong ito because of some negative issues, like scam/pyramiding. Pero gusto kong malaman ng lahat na iba ang networking. Mahalaga na malaman mo ang mga sumusunod bilang mabilis na batayan kung legal ang isang networking business:
a. LEGALITIES - siguraduhin kung SEC (Securities and Exchange Commission) registered at ganun din BIR (Bureau of Internal Revenue) ang company.
b. PRODUCTS - dapat may mga sariling produkto ang company na sasamahan mo.
c. ROI (Return of Investment) - dapat 73%+ ng pera na ilalabas mo ay ibabalik sa pamamagitan ng products and/or services.

Ngayon, it is up to you to decide! Kailangan mong maging mabilis sa pagbibigay ng desisyon. Time is running so fast, wag na wag mong hahayaan na binasa mo lang ang article na ito ng wala kang gagawin aksyon. Uulitin ko, I am not against employment but alam natin pareho na hindi ito ang pinakamabilis na paraan. Naniniwala ako na hindi natin kasalanan kung ipinanganak tayong mahirap pero kasalanan na natin kung mamamatay pa rin tayong mahirap.
tweet this Google+

183 views

user avatar

A former employee for more than six (6) years. Now, I am enjoying traveling to places, speaking and meeting other people. I am also happy learning while listening from people stories that mostly covered interesting topics related to HEALTH and FINANCE.

Allan M. Hinggoy
Contact: 09205740276
E-mail: aimwithallan@gmail.com

Comments

ADVERTISEMENT

Send us a Message

Powered by VendiCS